KM64 Anib -kita kits
ANIB
Pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo ng Kilometer 64
March 14, 6 - 9:30 p.m.
Conspiracy Bar and Garden Cafe
59 Visayas Ave. (tapat ng Shell), Quezon City
Tanggapin Po Ninyo Ako Bilang Bagong Kasapi
Una sa lahat welkam.
Malaking inspirasyon ng pangalang ito ang mga poste sa gilid gilid ng mga kalsada. Yung kulay dilaw? Kilometer post ito. Milestone. Dito sinusukat yung eksaktong layo ng isang kalsada. Kung saan ang sentro ng Pilipinas ay ang rebulto ni Rizal sa Luneta, ito ang km 0.
Naging malaking interes sa akin kung nasaan ang km64 o kilometer post number 64. [nakapunta na ako sa isang km64, sa bandang south -sa tanauan, batangas. Shempre dahel paikot ang km64 kalat ang iba pang km64 posts. Mayroon sa laguna, rizal, pampanga]
Ganunden, kung pamilyar ka sa kasaysayan ng paglaban ng kabataang pilipino, hindi na siguro bago sa pandinig mo ang KM, grupo ng bibong kabataan na lumaban para sa kalayaan ng mamamayan noong panahon ni Apo Makoy.
Tinatag noong november 30 1964. Isa ang km sa mga nangunguna sa laban ng mamamayan.
Lumilinaw na siguro?
km 1964
km64
Sa paggamit ng pangalang ito, may dalawang ibig pagpugayan o bigyan ng tribute. Una ang mga karaniwang kwentong nakikita, naaamoy, natatapakan, nalalasahan naririnig natin sa kalsada.
Pangalawa shempre, pagsaludo sa kadakilaan ng mga kabataan nauna sa atin. Pagpupugay sa Kabataan Makabayan, grupong hinde kadalasang nabibigyan ng kredito o di man lang nababanggit sa kasaysayan. Lalo ngayong, terorismo at destabilization ang isulong ang interes at kagalingan ng mamamayan.
Martes, 7 Marso 2006 10:41:46 (Tom Casia)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home