Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Monday, April 03, 2006

Luha sa Pangako -ni Katuray 17 Enero 2006



dapat ko bang iyakan
ang luha ko kaya'y
nararapat na ibuhos sa paghihinagpis

marahil isa itong kahunghangan

minsan naisip mo ba
kong bakit sa isang tulad kong
laging iniiwan
isang dagok
ang iyong katahimikan.

subalit bakit mo ako pinaasa


na kaya kung abutin ang langit at
kaya kung tawirin ang dagat
kung gayung wala kana...
at narito ako...
na di makahakbang papapalayo...
sa nangangalit na alon
ng aking pagkasiphayo.

dapat ka bang iyakan at
ibuhos ang mga luha kong umaagos
na kulay dugo...
[para sa bawat umaasa,pinaasa,may pag-asa]
Ang tulang nalikha dahil sa pahiram na alaala ni Nelson Joseph

0 Comments:

Post a Comment

<< Home