Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Monday, November 13, 2006

Alaala ng kahapon sa Tag-lagas -ni Katuray 12 setyembre 2006






Bingi ang puso sa awitin ng dapithapon,
Hungkag ang damdaming sumasayaw sa kalungkutan,
Ka'y lamig nitong ihip ng hangin,
binubulong ang iyong paglayo.

Wala ng buhay punong minsa'y
himlayan ng ating mga pangarap.
Dahon ay unti-unting nalalagas,
babagsak sa lupa,bitbit ay mga tanong
sa dagliang paglipad.

Minsan,muling papatak ang mga luha,
na dulot ng kahapong nandirito pa.


Para sa mga alaala ni Nelson Joseph

0 Comments:

Post a Comment

<< Home