Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Friday, September 14, 2007

Erap guilty - and so?

A lot of blogs will be posting about this today and tomorrow..


erap.jpg


Former President Erap Estrada was guilty of plunder chargers but was innocent on perjury charges filed against him.


SO WHAT?


well.. the government will take SOME of his millions… but he still has billions.. he will still be detained in his residence in Tanay Rizal and not in a cell..


Other than that.. its the same.. same thing for 6 years now.. He’s still powerful - i think.. He still has lots of money - can’t prove it but that’s true.


Who’s next? GMA? plunder and cheating in the elections.. That I’m hoping to see. I strongly believe that she cheated. I time, she’ll serve her sentence. Just like Erap.


Source of pic: GMA7 microsite

Erap Guilty

Erap Guilty



Cebu Daily News
Last updated 11:34am (Mla time) 09/13/2007


Manila— The verdict was read out in less than 15 minutes.

The Sandiganbayan found former president Joseph Estrada guilty of plunder and sentenced him to reclusion perpetua, which under Philippine law runs for 20 to 40 years.

Estrada was also ordered to forfeit a mansion and more than P731 million, plus interest, that were deposited into two bank accounts.

The anti-graft court, however, acquitted his son Sen. Jinggoy Estrada and lawyer Edward Serapio.

Estrada was also acquitted of perjury for allegedly falsely declaring his assets. Hours after his conviction, a glum Joseph Estrada vowed to ``fight to the end'' what he decried as a ``political ruling,'' and thumbed down any offer of pardon.

His lawyers said they would challenge the decision by filing a motion for reconsideration or an appeal with the Supreme Court.

Estrada emerged red-faced but calm from the packed courtroom at the Sandiganbayan after the verdict was read at past 9 a.m. He stayed for more than two hours to confer with his team of lawyers and comfort his family.

He was then airlifted to his resthouse in Tanay, Rizal where he remains under house arrest.

With credit for time served in detention, it was unclear when he might be eligible for parole, or whether he will spend time in prison, be allowed to continue living under house arrest in his own villa or even be granted a pardon.

Estrada’s wife Loi, sons JV and Jinggoy, and daughter Jackie, were in tears after the verdict was handed down.

The family and some former Cabinet members occupied a small room on the sixth floor of the Sandiganbayan to await his fate.

Estrada was escorted upstairs by a phalanx of security men and ended up comforting his family, allies and supporters.

"When they went up to the sixth floor, everybody in the family cried,'' said family lawyer Rufus Rodriguez.

There were only stares and muffled cries heard from them when Estrada entered the room. He just looked at them with a sad smile.

It was Manila Mayor Alfredo Lim who broke the silence, telling his friend that his last hope was with the Supreme Court.

Estrada saw his daughter Jackie Ejercito-Lopez crying and told her , “It's not the end of the world,” according to Rod Reyes.

“We'll fight to the end.”

Estrada then commented that his suspicions have been confirmed that the Sandiganbayan special division was created to convict him.

“But it doesn’t matter because the people are on our side,” he said, kissing his sobbing daughter, Jackie.

“In his heart of hearts, it was a case of guilt not proven,” said Rene Saguisag, one of Estrada’s attorneys.

Estrada’s friends and family issued a statement calling the case a political vendetta by Arroyo.

The verdict ending the six-year trial was televised live but was nearly an anticlimax.

Fewer than expected pro-Erap supporters turned out on the streets. Government fears that a conviction would spark Estrada’s poor supporters to protest violently failed to materialize.

Estrada, a former movie idol, often called his presidency the “last and best performance of my life.” He has retained some of his popularity while trying to fend off accusations that he illegally amassed about P4 billion in bribes and proceeds from illegal gambling and falsely declared his assets.

The trial ran from October 2001 to June 15, with prosecutors claiming he hid assets and bought expensive mansions and vacation houses for his mistresses.

Estrada has denied the charges and accused Arroyo of masterminding his removal in a conspiracy with leaders of the Catholic Church and senior military officers.

Estrada said he feels he has been acquitted by the populace with the victories of candidates he backed in midterm elections earlier this year.

Estrada said he wasn't surprised by his conviction, but rued that the ruling was politically motivated
He said he believed that the Sandiganbayan created the special court specifically to convict him.

"From the very start, there was already doubt in creating this special court," he told reporters, while peeking from behind a door at the holding center.

"The direct and indirect pressures that have been made on this special court must have been too much too bear," the former leader added in his prepared statement.

It was the latest step in the plunge from the pinnacle of power for Estrada, a popular action film star who scored the Philippines’ biggest-ever election victory in 1998.

He even inaugurated the Sandiganbayan, the anti-graft court that convicted him.

“This is the only forum where I could tell the Filipino people my innocence,” said a disappointed Estrada. He was still wearing a wristband with the presidential seal.

“That’s why I took a gamble. I thought the rule of law will prevail over here. This is really a kangaroo court. This is a political decision.”

Estrada said he remained calm even if he and his lawyers disagreed with the findings of the court.

"As far as I am concerned I'm acquitted by this overwhelming assistance I get from the Filipino people," he told reporters.

Estrada was ousted in 2001 in EDSA Dos, a second version of People Power. /Ap and Inquirer reports


To subscribe to the Cebu Daily News newspaper, call +63 2 (032) 233-6046 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Copyright 2007 Cebu Daily News. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.

A Renewed Boycott Against Manila Standard Today | Tingog.com | The Voice of The Filipino


Boycott Manila Standard Today


Click picture to read the article.

Ang tula ay balumbon ng luha




Wala akong maisulat nitong mga nakaraang araw.


Marahil ay naging masyado lang akong abala sa mga ibang bagay.


At marahil ay masyado lang akong tinamad magsulat.


O talagang wala lang akong maisulat.


Parang napakalamlam ng mundo ko ngayon.


Hungkag walang laman.


Katulad ng isang baryang nasa loob ng alkansya

Ang pakiramdam ko.


Kumakalog.


Walang-humpay na pagkalog.


Sumasayaw ako sa isang entabladong


hindi ko masukat ang luwang.


Hindi ko matantiya ang hangganan.


Sumasayaw ako pero hindi ko naririnig ang tugtog.


Hindi ko nasasabayan ang himig.


Iyon ay kung mayroon ngang tugtog.


O himig.


O entablado.


O sumasayaw lang ako.


Nakakatamad habang nakakapagod rin ang lahat.


Alam mo ba ang pakiramdam nang hindi ka mapakali,


Ngunit hindi mo naman tanto ang dahilan?


Iguhit mo ako sa sitwasyong iyon.


Mapatulala ka.

Fake ba ikamo?

Sabi ng mga banyaga sa panahon ni MarcosŠ 65 million cowards and one sonofabitch! Ngayon ang sabi nila, 85 million cowards & idiots, against one BITCH! GMA met Bush at the UN. Bush: Our Filipino chef at the White House is truly great! GMA: Yup! Magaling talaga kami sa "LUTUAN." BF: Mam, pag na-install na ang mga BIKE LANES along EDSA, JOSE PIDAL ang itawag natin. PGMA: Masyadong halata naman. Maganda kung BIKE ARROYO! HARD TIMES! A sign in a restaurant window: **T-BONE P50 **(with meat P250) ERAP accidentally bumps AMERICAN. E: Im sorry. Am: Im sorry 2. E: (puzzled, replies) Im sorry 3. Am: What r u sorry 4? E: (thinks awhile) Im sorry 5. ENGLISH TEACHER 2 ERAP: The prefix 'bi' is used to describe things that come in twos like - bicycle, bifocal & binary. Can u give an example? ERAP: Ma'm, bayag! Wat s d difrens betwn Cory, Gloria, and Erap? ANS: Cory cannot tell a lie; Gloria cannot tell d truth; Erap dannot tell d difrence. GMA kidnapped by terrorist demanding 5 million ransom or will set her on fire. Any donations appreciated. So far, 200 liters of gasoline received. Received in October 2005 GMA saved frm near death askd man wat reward he wnts. M: Wheelchair po! GMA: Bkt wheelchair dk nmn lumpo? M: Kc pg nlaman ni itay na cnagip kta, lulumpuhin nya ako! Mga chuchu kay GMA either daga (Rodente Marcoleta) o kaya gulay (Pichay) o sakit (Rigoberto Tigdas & Ignacio Buni). Advisors naman may sayad (siRaulO Gonzalez). Her epitaph in cemetery 50 years later: HERE LIES GMA. SHE LIES STILL. Updated ka na ba? 3 additions to 10 comandmnts. 11th huwag pahuhuli. 12th pag nahuli, wag aaminin. 13th pag nabuking, WAG MAGRERESIGN! What a difference a comma can make is illustrated in d telegram sent by GMA to Mike.. "Not getting any, better come home at once." Republika ng Peke Peke nga produkto Peke mga basketbolista Peke mga gamot Peke mga dokumento Peke mga suso at syempre PEKE ANG PRESIDENTE :-m

Pag-Amin


Aaminin ko, minsan ko nang tinalikuran ang panulat ko.

Subalit sa maikling panahon,
tila may isang
nanay na nagsasabing "umuwi ka na, anak"--
ang panaghoy na
umaalingawngaw sa katahimikan ng puso ko.
Aaminin ko, ito ang hinihintay kong pagkakataon. Ang
sumagot sa tawag, "pauwi na po ako."

Natatandaan ko pa, bata pa ako noong sinabi ni Ka
Luis:
"..alagaan mo ang regalo sa'yo ng diyos. Kung 'di mo
maisulat sa
papel, isulat mo sa puso at diwa ng iba."
Uumpisahan kong muli.

Walang Pag-aalinlangan



nariyan ka.

narito ako.

kapwa tayo humahabi
ng mga sandaling lingid sa isa't isa...
sa pag-asang minsan
ay mayroon na tayong pag-uusapan

at pag naramdaman natin ang sobrang kabog ng ating dibdib
tumalon na tayo nang
walang pag-aalinlangan.







Paano Tumula Ngayon?

Sadyang sinulat upang pakalatin. Ilagay sa inyong mga website, e-group o kung anuman, banggitin lamang ang pangalan ng may-akda at ang Kilometer 64. Maraming salamat.

Ang Makata sa Panahon ng Krisis -Alexander Martin Remollino


Kung nais nating makita ang pagkakaugnay ng tao't ng lipunan, wala yatang pinakamainam na pook para rito kundi ang mga istasyon ng Metro Rail Transit o MRT. Sa himpilang EDSA-Ayala, minsa'y patakbo sana akong aakyat (sapagkat hindi ako nakapag-ehersisyo sa bahay nang umagang iyon at gusto kong mag-ehersisyo), ngunit hindi ko kaagad natupad ang ibig kong gawin sapagkat mahaba ang pila paakyat at kaybagal pa ng usad, at sa dakong kaliwa nama'y may mahabang hanay rin ng mga bumababa. Nang maubos ang mga taong bumababa ay gumawi ako sa kaliwa at patakbong inakyat ang natitirang mga baitang, at nakita ko ang salarin sa pagkakaroon ng mahabang pilang kaybagal gumalaw: isang saksakan ng kupad maglakad na akala yata'y kanya ang buong MRT at ibig itong gawing isang Luneta. Minsan din, sa himpilang EDSA-Buendia, dumating ang tren nang may sapat na luwag sa loob, at kakaunti lang ang mga kasabay kong nag-aabang kaya't tiyak na lahat kami'y kakasya sana. Ngunit kakaunti sa amin ang nakasakay at ako ma'y muntik nang hindi makapasok, at muntik pa ngang maipit ng pinto. Ang may kagagawan? Magkaparehang binatilyo't dalagita sa unahan ng mga pumasok, na ginawang walk in the park ang kanilang paglulan sa tren habang naghihimasan pa, na lalong nagpabagal sa kanilang paglakad. Aywan ko ba kung bakit hindi na lamang nagmotel ang mga tinamaan ng magaling na ungas. Sa bawat insidenteng nabanggit – ilang tao ang nahuli nang ilang minuto sa trabaho o sa klase, o sa pakikipagkita kaya sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan? Hindi ko na binilang. Ngunit nakikita naman natin sa mga isinalaysay na ito kung paano maaaring makaapekto sa marami ang mga galaw ng kahit isa o dalawang tao lamang na sapagkat walang kapaki-pakialam sa mundo ay kaysasarap pagbabambuhin sa ulo. Di gaano pa kaya ang epekto sa lipunan ng isang makata, na bukod sa tumatangan ng isang lubhang makapangyarihang sandatang pampanitikan ay lagi't lagi pang nasa publiko? Sa mga pananalita ng mga makatang Emmanuel Dumlao at Gelacio Guillermo sa isang porum ng Kilometer 64 sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong Nobyembre 18 ay natalakay nang husto ang usaping ito. Kapwa sila nakapagpakitang may papel at lalaging may papel ang makata sa lipunang kanyang ginagalawan dahil sa kapangyarihan ng kanyang sandatang pampanitikan at pampublikong katangian ng kanyang buhay. Ang GAT Sa pananalita ni Dumlao, malaking bahagi ang inilaan sa isang samahan ng mga makata na nagmarka sa kasaysayan hindi lamang ng panitikan kundi maging ng pulitika sa Pilipinas – ang Galian sa Arte at Tula o GAT. Inilahad niya ang mga tampok na ginawa ng GAT: paglalabas ng mga antolohiyang naging bahagi ng diskursong-madla; di-mabilang na poetry reading sa mga komunidad ng maralitang-lunsod, baybay-dagat, kabukiran, paaralan, piketlayn at iba pang lugar kung saan naroon ang nakararaming mamamayan. Ito ang pagsasabuhay ng GAT sa kredo nitong "Ibalik ang panulaan sa puso at tangkilik ng sambayanan," na ang sumulat ay walang iba kundi si Virgilio Almario, kilala rin bilang Rio Alma, isa sa mga tagapagtatag ng naturang samahan. Dinala ng GAT ang mithiin ng sambayanan na mabuhay sa isang tunay na malaya at demokratikong lipunan, at ito'y sinalamin ng mga tulang inilabas ng naturang samahan sa halos dalawampung taon ng pag-iral nito. Isinilang ang GAT sa panahon ng diktadura, bilang isang pagtugon sa diktadura. Isa ito sa iilang makabayang organisasyong sa panahon mismo ng Batas Militar ay natatag nang ligal, at nanatiling ligal sa mga taong ipinagbabawal ang lahat ng organisasyong natukoy ng pamahalaan bilang militante. Nagawa ito ng GAT sa pamamagitan ng pagpapanday ng isang panulaang malaalegoriko ang mga imahe, at sa ganito'y nakalusot sa mga sensor ng gobyerno ngunit naunawaan ng madla. Iniwasan nito ang mga salitang karaniwan nang iugnay ng pamahalaan sa rebelyon, at naging malikhain ito sa paggamit ng mga talinhagang bagama't hindi halatang palaban ay may sariling mabisang paraan ng pananawagan ng pagbabalikwas, na nakilala ng madla sapagkat hinugot mula sa mismo nilang mga buhay. Lumahok ang GAT sa pakikibaka sa diktadurang Estados Unidos-Marcos, at nagluwal ito ng maraming tulang naging mga klasikong paulit-ulit na binigkas sa mga kilos-protesta, halimbawa'y ang mga sumikat na anti-pasistang tula nina Jesus Manuel Santiago at Romulo Sandoval. Ang ganitong panghahawak sa paninindigan ng GAT ang dahilan kung kaya kahit na pito sa lalong tinitingalang mga kasapi nito – na ang isa'y magiging National Artist pa sa kalaunan – ang sumuporta sa kandidatura nina Ferdinand Marcos at Arturo Tolentino sa snap election ng 1986 ay hindi naapektuhan nang malaki ang kabuuang kredibilidad nito. Ang maalingasngas na pag-eendorso Nabanggit ni Dumlao ang mga pangalan ng pitong kasapi ng GAT na tumangkilik sa kandidaturang Marcos-Tolentino noong 1986. Makabubuting banggitin muli sila rito, sa ikababatid ng lahat at upang huwag nating malimot: Virgilio Almario, S.V. Epistola, Lamberto Antonio, Teo Antonio, Mike Bigornia, Manuel Baldemor, at Ruth Elynia Mabanglo. Buhay pa silang lahat, liban kina Bigornia at Epistola. Marami sa mga ito ang magpahanggang ngayo'y hindi inihihingi ng kapatawaran ng bansa ang kanilang ginawa – kabilang na si Almario, National Artist for Literature ng 2003. Sa katunayan, sa isang interbiyu sa kanya ng isang estudyanteng gradwado sa UP noon ding 2003, sinabi ni Almario na ang Kaliwa ang nagpabomba sa Plaza Miranda noong 1971, at ito raw ay ginawa upang guluhin ang gobyerno ni Marcos. Yaong mga may malawak na pagbabasa sa kasaysayan at lalo na'y yaong mga may malay na nang taong iyon ay tiyak na makaaalaalang ito rin ang dahilang ginamit ni Marcos upang magdeklara ng batas militar. At habang umiiral ang batas militar ay kayraming manunulat ang pinarusahan dahil sa kanilang pagbibilad ng kalagayan ng bansa: ipinapatay ang mga Lorena Barros, Eman Lacaba, Antonio Tagamolila, Liliosa Hilao at Valerio Nofuente, habang ang isang Henry Romero'y nawala at hindi pa natatagpuan magpahanggang sa mga araw na ito; samantalang ipinabilanggo naman sina Beinvenido Lumbera, Satur Ocampo, Luis Teodoro, Ninotchka Rosca, Bonifacio Ilagan, Pete Lacaba, Levy Balgos de la Cruz, at Dolores Feria, at marami sa knaila ang dumanas ng iba't ibang anyo ng pagpapahirap sa bilangguan, kabilang ang pangunguryente sa bayag at utong at puki, pag-uumpog sa kanila sa dingding, pagpapahiga sa kanila nang hubo't hubad sa bloke-blokeng yelo, at maging panggagahasa sa mga babae. Ang sinabing ito ni Almario ay hindi pa niya binabawi magpahanggang ngayon, bagama't hindi pa rin maipaliwanag ng mismong kampo ng mga Marcos kung bakit ang binomba sa Plaza Miranda ay ang pulong ng Liberal Party, na lumalaban din sa gobyerno noong 1971 at samakatwid ay maituturing noong taktikal na alyado ng Kaliwa. Batay sa kasaysayan, ang ganito'y istilo ng ilang panatikong maka-Kanang paksiyon sa militar, ngunit hindi ng Kaliwa. Sinasabi ni Almario na tama ang pagkakadeklara ni Marcos ng batas militar, na nandahas sa napakaraming Pilipino? Iwan na natin sa kanya ang pagpapaliwanag dito, pati na sa inamin niya mismong pagiging propagandista ng kampo ni Marcos bago pa man ang snap election ng 1986 at habang siya'y kasapi pa ng GAT, na nagpatalsik sa kanya noong 1986. Siya na rin ang bahalang magpaliwanag kung may kaugnayan din ba ang lahat nito sa mahabang panahon niyang palinlang na paglalayo sa mga baguhang manunulat sa landas ng makabayan at makalipunang pakikisangkot – sa isang bansa kung saan kailangang-kailangan ang mga manunulat na magpapatuloy sa tradisyon ng mga Francisco Balagtas, Jose Rizal, Crisanto Evangelista, Jose Corazon de Jesus, Salvador Lopez, Manuel Agruilla, Carlos Bulosan, Amado Hernandez, at iba pang katulad. Mga aral ng GAT sa ating panahon Naipakita ni Dumlao na ang GAT ay naging isang kapahayagan ng pagkakaisa ng mga makatang nagpasyang makipagkaisa sa kanilang mga mambabasa sa pagtatatag ng isang matwid na lipunan. Tinangkilik sila ng madlang malawak dahil dito at ang kanilang mga akda'y nag-ambag nang di-biro sa pagbibigay ng direksiyon sa pakikitalad ng sambayanan. Kung ano ang mga aral na mahahalaw ng kasalukuyang mga makatang nakikisangkot, lalo sa panahong itong ang bansa'y nasa krisis na tulad sa panahon ng diktadurang Estados Unidos-Marcos, ay naroon sa pagkakalahad ni Dumlao sa mismong kasaysayan ng GAT at, gayundin, ng kanyang sariling karanasan bilang isang makata. Lampasan ang sarili, magsulat alang-alang sa sambayanan, ngunit huwag magpakulong sa mga pormulang kaylimit kabuliran maging ng mga dapat ay higit na malikhain sapagkat naghahangad na magwasak. Mahalagang aral ito na maiging matutunan ng mga makatang kalahok sa tuluy-tuloy na proseso ng paglutas sa kasalukuyang krisis ng bansa – isang krisis na ibinunsod ng isang ilehitimo't tiwaling pamunuang ang mga patakara'y laban sa kapakanan ng bansa't ng nakararaming mamamayan, at mapanlabag sa karapatang pantao. Mapakikinabangan ang mga aral mula sa karanasan ng GAT sa dalawang tipo ng matulaing pagtugon sa kasalukuyang krisis na binanggit ni Guillermo, na bilang paggagad sa nauuso ngayong pagbibigay ng akronimo, na ang pinakatanyag ay ang CPR na tumutukoy sa calibrated preemptive response na patakaran ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ay tinawag niyang tactical poetic response (TPR) at strategic poetic response (SPR). Ang TPR, sang-ayon kay Guillermo, ay ang "pagsagot sa nagaganap na maiinit na usapin na kinakaharap ng mamamayan," habang ang SPR nama'y "panulaang tumutugon sa matagalang pangangailangan ng mga organisadong (puwersa) at masa sa edukasyon at muling paghuhubog sa sarili." Mahalaga ang pagsipi ni Guillermo sa winika ng rebolusyonaryong manunulat na si Eduardo Galeano ng Amerika Latina, dahil aral ito sa lahat ng makata at maging sa lahat ng iba pang manunulat, hindi lamang sa panahon ng diktadurang Estados Unidos-Marcos kundi sa panahon man ng paghahari ng ilehitimo, makadayuhan at makamayaman, at pasistang rehimeng Macapagal-Arroyo na binasbasan ng Estados Unidos. Ano ang sinabi ni Galeano? "Ang sabihing mababago ang realidad sa pamamagitan lamang ng panitikan ay isang kabaliwan o paghahambog," aniya. "Sa palagay ko, isa ring kalokohan na itatwang nakakatulong ito sa pagbabago." Sinasabi ni Galeano na ang panitikan ay magiging kagaya lamang ng isang baril na walang bala kung wala itong gagawin liban sa pagbibili ng mga pinabanguhang kahangalan, dili kaya'y ng mga pangarap na hindi kailanman matutupad, ngunit nagmamarka sa kasaysayan kapag nakapaghikayat sa madla na taluntunin ang landas ng kabayanihan. Dalawang landas ng mga makata Sa panahon ng kasalukuyang krisis, mainam na balikan ang isang nagdaang panahon din ng krisis upang matimbang nang maigi ang mga maaaring pagpilian ng makata sa parehong panahon. Noon man at ngayon, dalawang landas ang maaaring tahakin ng makata. Sa isang banda'y maaari siyang maging isang mambebersong tagahabol ng tseke mula sa umaandar na kotse ng hari-harian, isang upahang tagapag-aliw sa korte ng mga dugong-bughaw na habang walang makain ang mga mamamaya'y pakutya silang sinasabihang kumain ng mamon. Maaari rin naman siyang maging bilanggo ng sariling toreng garing, diumano'y tiwalag sa daigdig, na pana-panaho'y naghahagis ng mga "pumpon ng mga salita," sa wika ni Jesus Manuel Santiago, sa bintana upang masambot ng madla. Mukhang magkaiba, ngunit sa totoo'y iisa lamang ang mga landas na ito. Sa kabilang banda nama'y maaari silang maging "troubadours for troubled times," sa wika nga ni Eric Caruncho, maging kapwa mandirigma ng lahat ng nagbabalikwas laban sa kaapihan. Batay sa isang pananalita ng may-akda sa isang porum ng Kilometer 64 noong Nobyembre 18, 2005 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City

Alaala

Mga Alaala ng Unang Araw Bilang Kadre sa Nayong Tinubuan

Wilfredo Gacosta
Enero 1972


mga kilalang mukha
ang ngayo"y kaharap ko...
mga dating batang gusgusin,
sunog ang balat
sa init ng araw,
pinaalat ang pawis
ng simoy ng hangin
mula sa dagat Pasipiko.
ang kanilang tapang ang sa aki'y maagang nagturo
na pangahasang bagtasin ang rumaragasang ilog.
sila ang katulong
sa pagtatayo ng mga munting kastilyong
baybay, kahawak-kamay sa pakikipaghabulan
sa mga along sumasalpok
sa mahabang dalampasigan.
ang nakatutulig nilang kantyaw
ang sa aki'y nagpaiyak
nang mahulog ako sa kalabaw.
kaibigan ko silang matalik
laban sa sanlibong mayang nagnakaw
sa mga buntis na butil
sa ginintuang palayan.
sila'y aking kadamdamin
sa paghanga sa payak na ganda
ng panauhing dilag
sa napipintong anihan,
karamay sa munting ligaya
at sanlibong hapis
sa loob ng dukhang bakuran.
ngunit ang mga titig nila ngayon
ay mga di kilalang titig...
ako ba'y dayuhang dapat layuan?
isa bang kataksilan
ang bumigkas ng mga bagong kataga
at umawit ng mga bagong himig
ng namulat na alipin?
a, sa isang kisap-mata,
mababalikan ang lumang pakikisama.
datapwa't dapat na lamang bang panoorin
ang malayong tanawin
ng makabagong pagkakaibigan?
a, pupungay rin ang kanilang mga titig
sa ningning ng paglaya.
titibok din sa kanilang puso
ang alab ng paghihimagsik.
sapagkat kaibigan ko sila sa pagkaalipin,
makakasama ko sila sa paniningil!
at hihigpit
ang magkahawak na kamay sa pagtatanod
sa laot at dalampasigan,
ang panunukso ay magiging pag-uusig
sa mga mangangalabaw,
hahaba ang hanay na haharang
sa mangangamkam,
at sa iisang himig ay ipagbubunyi
ang bawat tagumpay!

Diwa at Panulat

Noong nakaraang linggo si Vim Nadera ang panauhin ni Mrs. Liza Macuja sa programang ART to ART ng radyo DHRZ,Naalala ko noong una kaming magtagpo ng landas sa isang Poetry ready sa Magnet Cafe sa Katyipunan,kasama ko ang KM64-sa buong pagkakaakala ko kasi si Vim Nadera ay isa na lamang alaala ng panitikikan, naalala ko na sa harap ni Vim Nadera ay tahasan kong tinanong kung sya ay existing pa ba o buhay pa.Sukat ba namang batukan ako ng kasama ko, di ko daw ba alam na si Vim na ang kaharap ko. Palibhasa galing ako sa bundok, buhay pa pala ang isang Vim Nadera ,buhay na buhay, buhay ang dugo ng panitikang dumadaloy sa kanyang isip at pagkatao.



ino-August 21, 1983 Ipinaaasinta kita, pinupusila ka, Akala ni Galman ako'y nagbibiro. Saksi ko ang mga Ver, sampu ng Avsecom, Kundi kita ipinaasinta, di puputok ang EDSA. Excerpt from Vim Nadera's poem " Ipinaasinta kita"




LuzViMinda,1991 Kung ako ay piliting, Ikasal sa uhugin- Aking ding isusumpa, Ano mang maling hula. Sitsiritsit, alibangbang Salaginto, salagubang Ang babaeng namamasyal Uuwi rin sa tahanan. Excerpt from Vim Nadera's poem " Tatlong Mariang Migrante"




Tangis, 1986 Ako'y anak ng timawa, O atubang sa datu ng Bisaya Na sa ibang wika, Ibig sabihin ay " malaya." Bigong bayani akong nagwala, Nang mawala sa kawalan ng wala. Sa gaya kong walang-wala, Wala sa aking mawawala. Excerpt from Vim Nadera's poem " Anak ng Timawa"



Sundalo, 1986 Ako'y ibitin mo: Hamak na sundalo. Tiwarik man ako Hindi nahihilo. Ako'y ibitin mo Sa taas ng ranggo, O baba ng s'weldo- Saludo pa ako. Excerpt from Vim Nadera's poem " Ako'y Ibitin Mo"



May 1 Siege ( Mendiola) I, 2001 Sa parang kung saan parang nakalugmok ka Sa bawat tanawin ngang tinatanong din ako. Estatwa ka lang bang may kakatwang mensahe: " Talagang natutuldukan ang lahat-lahat?" Excerpt from Vim Nadera's poem " Katoto"




Mga Anak ng Lupa, 1982 Doon po sa amin, bayang naging city Sa baba ng sahod may biglang nagrali. At di sila basta tumayo sa tabi Ng pinapasukang beerhouse gabi-gabi. Sa halip, nagsayaw nang hubo at hubad Itong si Caridad na Candy" ang alyas. Kagyat naging Big Night agad ang palabas Sa tanghaling tapat na naging hot na hot. Excerpt from Vim Nadera's poem " Manggagawa

"
Pulis, 1993 Karapatan mo ang karapat-dapat na karapatan. Karapatan mo ang mga iyan anuman ang kasarian o simbahan. Karapatan mo, kapwa ko,kahit ikaw mismo Ang lumabag sa batas. Excerpt from Vim Nadera's poem " Karapatan Mo "

Militarisasyon , 1985 Anibersaryo ngayon ng Martial Law Kaya ang komentarista sa radyo ( na nanahimik nang makalaboso ) ang pagkahol ay kinapong ASSO! Balang -araw magiging lolo akong Hanggang sa tuhod ay magkakaapo Pero pag ako ay pinagkuwento- Gunitang ganito ba ay may curfew? Excerpt from Vim Nadera's poem " Anibersaryo ngayon ng Martial Law"



Silip sa Kaban ng Bayan, 1987 Sila pa ang lilimusan ng pera. Samantalang kami nga itong salat. Tapos manghihingi kami ng grasya. Kaming nabulag sa ganyang palabas. Ang magmumura kapag walang kita. Excerpt from Vim Nadera's poem " Kita"

Katoto




May 1 Siege ( Mendiola) I, 2001
Sa parang kung saan parang nakalugmok ka Sa bawat tanawin ngang tinatanong din ako. Estatwa ka lang bang may kakatwang mensahe: " Talagang natutuldukan ang lahat-lahat?" Excerpt from Vim Nadera's poem " Katoto"

Kanlungan

Kanlungan Kapag nagpalit ang liwanag at dilim Taglay mo'y kapayapaang taimtim Sa saliw ng huni ng mga kuliglig Sa iyong kandungan nais humilig At dito'y angkinin at makamtan Dalisay na kapayapaan

Kapit Lang

Kapit Lang

Rebyu ng Please Fasten Your Seatbelts
Ikalimang koleksyon ng mga tula ng Kilometer64
(http://groups.yahoo.com/group/kilometer64/)

Sadyang pagbibiyahe ang tema ng mga koleksyon ng Kilometer64 (KM64), isang kulumpunan ng mga kabataang makata na naglalakbay, tumatambay, at nagkatagpu-tagpo sa isang sulok sa malawak na cyberspace.

Ayon sa mensahe sa kanilang webpage: “Dito sa grupong ito, di kailangang magpagalingan, magpalaliman, ang mahalaga makagawa ka ng isang tulang magbibigay katuturan sa tintang iyong sinayang,” Nang-aanyaya ito ng bukas na pagbabahaginan at palitang-kuro sa anumang hinggil sa tula. Sa huling bilang, mahigit 300 na ang miyembro ng KM64.

Sino ang naaanyayahan? Ang KM64 ay “pinasimunuan” ng ilang mga estudyante sa Taft Avenue. Ikalimang koleksyon ang Please Fasten your Seatbelts na tinipon sa loob ng mahigit isang taon ng isang grupo ng mga manunulat na naglalathala at nakikibahagi sa mga poetry reading at iba pang pagtitipon hinggil sa tula.

Ito’y bukas sa lahat, bagamat matingkad sa mga umiikot na tula sa web ang panlipunang komentaryo at kalakhang paggamit ng wikang Filipino. Mangyari pa’y tila may “di nasusulat” na pagkakaunawaan ang mga taga-KM64 sa pagiging “makabayan” ng kanilang panulaan. Sa pangalan pa lamang, maiisip na ang 40 taon ng Kabataang Makabayan o KM na itinatag noong 1964. May tendensiyang malito ang usyoso sa direksyon ng KM64, lalo kung ang grupo ay makakasalubong lang sa internet. Maaaring hindi rin malinaw, kung bakit pinararangalan sa koleksyon ang mga rebolusyonaryong martir at makata gaya ni Wilfredo Gacosta. Ngunit sa introduksyon ng chapbook, naging malinaw si Alexander Martin Remollino ng KM64: “(ito’y)…mga tula ng pakikibaka para sa bayan…mga tula ng pagtalunton sa salimuot ng buhay.”

Paano ang pagtalunton sa pagtula para sa bayan? Sa unang bungad pa lamang, nagpapaumanhin na ang “Naligaw sa Pagtingin” ni Mary Jane Alejo ( “sadyang di pantay ating mga paa/ at kaya mo pang lakbayin ang ilang libong milya…/ may kalituhan man sa pagitan ng damdamin at tunguhin -- / natuto na akong hindi maligaw sa pagtingin.”)

Magtatanim ng pangamba sa mambabasa kung ituturing na “manifesto” ng grupo ang tulang “kip tiket por inspeksyon” ni Roy Monsobre: (kahit ano pwede/ kahit sino, anumang uri,/ kahit anong lengguwahe,/ kahit anong klase at istilo./ animnapu’t apat na kilometro…/). At sa chapbook, bagamat marami ang mga tulang “makabayan,” ito’y hindi nakaligtas sa mga tula ng tulirong pag-ibig, mala-ars poetica (“Ang makata’y magiging abo rin,/ ngunit hindi ang kanyang/ sipol at halina.”), ng rebeldeng psychedelia ( “toastedmarshamallow sa planet garapata”), at ng mala-Jose Garcia Villa na pagbibida (“Ang kinahinatnan ni Juan Tamad Habang Naghihintay Mabagsakan ng Bayabas sa Ilalim ng Puno ng Mansanas”).
Sa pagpasada sa chapbook ng KM64, matingkad ang dalawang suliranin ng sinumang nagnanais na tumula para sa bayan. Ang una ay sino ang bayan, at para kanino ang tula? Ikalawa’y paano? Paano maglilingkod sa bayan ang makata?

Ipinamamalas ng ilang tula ang karanasang aktibista sa lungsod. Ang “Araw ng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan” ni Alejo, at isang halaw, ang “May Day” ni Spin ay parehong pumapaksa sa mga eksena sa isang rali.

Ngunit sa “May Day,” isinisiwalat: “tulad ng tipikal na coño/ Dapat sana’y nanonood/ Tayo ngayon sa Greenbelt 3…/ Pero para tayong nalilibugan/ tila may kumakati sa ating isipan…/Kaya agit tayong tumungo sa Recto…/ Sumigaw // ‘IMPERYALISMO, IBAGSAK!” Hindi mawari kung ito’y pagpuna (o pagkutya)-sa-sarili o seryosong pagpupugay para sa kagitingan ng uring perti-burgis.

Paliguy-ligoy ngunit literal si Rustum Casia sa “mars, intra at tamang pagdura ng plema”: “Ang langit sa piling ng masa. Ang makulay/ na kalawakan ng mga salita. Ang/ gobyerno sa kabundukan…/naroon ang mga guro ng kasaysayan./ ang lipunan para sa atin, isang malaking/ pamantasan.”

Sa mga tula na nagpapakita ng pakikisangkot, simple at tiyak ang mensahe ng mga tulang “Gayagaya” at “Sabjektib kayo dyan” ni Roberto Ofanda Umil (bagamat maaaring pagmulan ng kalituhan ang mga pamagat). Samantala, may malalim na lungkot at pananalig sa “Walang Gabi” ni Umil. Sa tula, ang panunupil ay pambihirang itinutuon hindi sa mga karaniwang aparato ng estado o makapangyarihan. Ang nananaig ay ang personal na kaalaman, pananaliksik o paniniwala upang makarating sa “himlayang walang gabi.” Kung sa husay lamang ng imahe ay naiiba ito sa iba pang mga tula ng premyadong si Umil. Ngunit ano naman ang nais iparating?

Mahusay ang paglalarawan at komentaryo ng prosang tula ng “Seryeng-Hotel” ni Kapi Capistrano (“Banyo Boy,” “Ang Restawrang Itim” at “Eden”), ngunit bakit nga ba ang kanlungan ng mayayaman ang sinisilip at naging paksa? Ang “Mucha’s Grasa” ay nagtatangka sa paglalantad ng kalagayan ng maralita, ngunit sa kanino nga bang punto de bista at lengguwahe?: (“madalas kasi ‘on the road ako’/ kaya eto ‘diet’…/ ako’y isang pulubi/)

Tila nahuhumaling sa imahe ng kabaliwan si Remollino sa “Ang Lalong Baliw,” “Baka Sakaling Tubuan ng Katinuan” at “Emperador Nero, AD 2004.” Sa huli, waring hindi nagtitiwala ang makata na mauunawaan ng mambabasa ang alusyon kay Nero, kaya’t may talababa na mas mahaba pa kaysa sa mismong tula!

Naghahamon naman ang tulang walang pamagat ni Usman Abdurajak Sali: “sa mga bulaang pantas ng panitikan…/ nakangisi silang nakaupo sa matatayog na toreng-garing./ sila ang nagtatakda kung anong estilo ang makasining…/ ay! magiging abo-alikabok ang makukulay nilang balahibo!/ ang maniningil sa kanila’y apoy ng galit ng taas-kamao!”

Ito ang pagtatangka at simulain ng KM64 na kayang marating sa patuloy na pagsisikap ng grupo. Para sa maraming kabataang manunulat, matagal nang hinihintay ang isang organisasyon na may kababaang-loob (tulad ng “maamong baka” ni LuHsun) upang lumikha, magsuri, magpunahan at maglagom. Organisasyong patuloy na magpapaunlad at magpapayabong sa makabayang panulaan.

Marami pa ang maaaring paunlarin sa panulat ng mga taga-KM64. Maaari itong simulan sa tapat na pagsusuri sa sariling pinagmulan at paninindigan, at muling-paghuhubog ng isang makauring pananaw na tiyak na kumikiling -- hindi sa peti-burgis -- kundi para sa masang anakpawis.

Marahil ay hindi naman labis kung ating aasahan sa KM64 ang ibayong pagpupursige, at sa malao’y ang pagtahak sa rebolusyonaryong tunguhin na ibinandila ng KM noong 1964 o Panitikan para sa Kaunlaran ng Sambayanan o PAKSA noong 1971. Tungo sa isang masalimuot na paglalakbay, kapit lang!