Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Friday, September 14, 2007

Ang tula ay balumbon ng luha




Wala akong maisulat nitong mga nakaraang araw.


Marahil ay naging masyado lang akong abala sa mga ibang bagay.


At marahil ay masyado lang akong tinamad magsulat.


O talagang wala lang akong maisulat.


Parang napakalamlam ng mundo ko ngayon.


Hungkag walang laman.


Katulad ng isang baryang nasa loob ng alkansya

Ang pakiramdam ko.


Kumakalog.


Walang-humpay na pagkalog.


Sumasayaw ako sa isang entabladong


hindi ko masukat ang luwang.


Hindi ko matantiya ang hangganan.


Sumasayaw ako pero hindi ko naririnig ang tugtog.


Hindi ko nasasabayan ang himig.


Iyon ay kung mayroon ngang tugtog.


O himig.


O entablado.


O sumasayaw lang ako.


Nakakatamad habang nakakapagod rin ang lahat.


Alam mo ba ang pakiramdam nang hindi ka mapakali,


Ngunit hindi mo naman tanto ang dahilan?


Iguhit mo ako sa sitwasyong iyon.


Mapatulala ka.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home