Diwa at Panulat
Noong nakaraang linggo si Vim Nadera ang panauhin ni Mrs. Liza Macuja sa programang ART to ART ng radyo DHRZ,Naalala ko noong una kaming magtagpo ng landas sa isang Poetry ready sa Magnet Cafe sa Katyipunan,kasama ko ang KM64-sa buong pagkakaakala ko kasi si Vim Nadera ay isa na lamang alaala ng panitikikan, naalala ko na sa harap ni Vim Nadera ay tahasan kong tinanong kung sya ay existing pa ba o buhay pa.Sukat ba namang batukan ako ng kasama ko, di ko daw ba alam na si Vim na ang kaharap ko. Palibhasa galing ako sa bundok, buhay pa pala ang isang Vim Nadera ,buhay na buhay, buhay ang dugo ng panitikang dumadaloy sa kanyang isip at pagkatao.
ino-August 21, 1983 Ipinaaasinta kita, pinupusila ka, Akala ni Galman ako'y nagbibiro. Saksi ko ang mga Ver, sampu ng Avsecom, Kundi kita ipinaasinta, di puputok ang EDSA. Excerpt from Vim Nadera's poem " Ipinaasinta kita"
LuzViMinda,1991 Kung ako ay piliting, Ikasal sa uhugin- Aking ding isusumpa, Ano mang maling hula. Sitsiritsit, alibangbang Salaginto, salagubang Ang babaeng namamasyal Uuwi rin sa tahanan. Excerpt from Vim Nadera's poem " Tatlong Mariang Migrante"
Tangis, 1986 Ako'y anak ng timawa, O atubang sa datu ng Bisaya Na sa ibang wika, Ibig sabihin ay " malaya." Bigong bayani akong nagwala, Nang mawala sa kawalan ng wala. Sa gaya kong walang-wala, Wala sa aking mawawala. Excerpt from Vim Nadera's poem " Anak ng Timawa"
Sundalo, 1986 Ako'y ibitin mo: Hamak na sundalo. Tiwarik man ako Hindi nahihilo. Ako'y ibitin mo Sa taas ng ranggo, O baba ng s'weldo- Saludo pa ako. Excerpt from Vim Nadera's poem " Ako'y Ibitin Mo"
May 1 Siege ( Mendiola) I, 2001 Sa parang kung saan parang nakalugmok ka Sa bawat tanawin ngang tinatanong din ako. Estatwa ka lang bang may kakatwang mensahe: " Talagang natutuldukan ang lahat-lahat?" Excerpt from Vim Nadera's poem " Katoto"
Mga Anak ng Lupa, 1982 Doon po sa amin, bayang naging city Sa baba ng sahod may biglang nagrali. At di sila basta tumayo sa tabi Ng pinapasukang beerhouse gabi-gabi. Sa halip, nagsayaw nang hubo at hubad Itong si Caridad na Candy" ang alyas. Kagyat naging Big Night agad ang palabas Sa tanghaling tapat na naging hot na hot. Excerpt from Vim Nadera's poem " Manggagawa
" Pulis, 1993 Karapatan mo ang karapat-dapat na karapatan. Karapatan mo ang mga iyan anuman ang kasarian o simbahan. Karapatan mo, kapwa ko,kahit ikaw mismo Ang lumabag sa batas. Excerpt from Vim Nadera's poem " Karapatan Mo "
Militarisasyon , 1985 Anibersaryo ngayon ng Martial Law Kaya ang komentarista sa radyo ( na nanahimik nang makalaboso ) ang pagkahol ay kinapong ASSO! Balang -araw magiging lolo akong Hanggang sa tuhod ay magkakaapo Pero pag ako ay pinagkuwento- Gunitang ganito ba ay may curfew? Excerpt from Vim Nadera's poem " Anibersaryo ngayon ng Martial Law"
Silip sa Kaban ng Bayan, 1987 Sila pa ang lilimusan ng pera. Samantalang kami nga itong salat. Tapos manghihingi kami ng grasya. Kaming nabulag sa ganyang palabas. Ang magmumura kapag walang kita. Excerpt from Vim Nadera's poem " Kita"
0 Comments:
Post a Comment
<< Home