Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Friday, November 17, 2006

Doon-ni Katuray 17 Nobyembre 2006



Sa pinakamalayo...doon
Gusto kong tumakbo.
Tumakbo ng walang kasing tulin.
Lumayo mula sayo.

Saan nga ba ang doon.
Kung saan malayo ka.
Saan nga ba ang malayo.
Kung saan wala ka.


Sa dagat.
Gusto kong magpatianud at lumangoy.
Hanggang mapatid itong hininga
Sa walang humpay na pagtangis at panaghoy.

Sa pinakamataas.
Walang agam-agam akong tatalon.
Sa pagbulusok at pagbagsak.
Sa pinakailalim ng mundo doon kaya hahantong
O sa anim na dipa't talampakang hukay.
Na di sapat upang ibaon.
Anino ng nakalipas,alaala ng kahapon.

Sa walang katapusang paglalakbay.
Gusto kong tahakin ang bukas.
Kung ang bawat hakbang ay simula ng wakas.
Nitong panaginip at pangarap.

Sa kalawakan.
Gusto kong liparin ang ulap.
Kung umabot man sa langit.
Walang alinlangan akong aakyat.
Kung sa kabilang buhay ay malilimot kang ganap.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home