Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Tuesday, November 14, 2006

Sa Aplaya-ni Katuray 12 Setyembre



Dalawin mo ako doon sa dating tagpuan.
Burahin mo ang bakas ng kahapong lagi kong nauulinigan,
maging ang kaluskos ng mga alaalang
nananatili sa aking isipan.

Pagod na akong damhin ang pagbabasakaling
ako parin ang iyong mahal,
At pagal na ring mangarap na muli ako'y babalikan,
upang madama,pag-ibig mong minsan nang nakamtan.

Dalawin mo ako sa dating tagpuan.
ipadama mo ang sakit at katotohanan,
na wala ng bukas pa ang muli kang masisilayan,
sapagkat kaytagal mo ng sinambot ang salitang Paalam.


Para kay Nelson Joseph

0 Comments:

Post a Comment

<< Home