Sino ang hindi nakapaglakbay? Sino ang hindi nawiwili sa mga paglalakbay sa mga ito'y siyang pangarap ng kabataan sa unang pagkaalam niya ng kahalagahan ng buhay, sa ang mga paglalakbay ay isang aklat para sa mga may sapat na gulang, kapag ang paglulunggati ng karununga'y siyang kinaaabalahan ng diwa, at sa wakas, ang mga paglalakbay ay siyang huling pahimakas ng matatanda kapag nagpapaalam sa daigdig upang tumahak sa lalong pinakamahiwagang landas?

Sunday, November 19, 2006

Paglulunsad-Aklat ng Subverso: Mga Tula at Kuwento Laban sa Pulitikal na Pandarahas


News and Events

November 16, 2006


Paglulunsad-Aklat
ng Subverso: Mga Tula at Kuwento Laban sa
Pulitikal na Pandarahas





Mykel
Andrada, Joi Barrios at Rolando B. Tolentino
Mga Editor



Nobyembre 23, 2006 (Thursday), 2-5pm, Claro M.
Recto Hall, Faculty Center, U.P. Diliman


Mga Manunulat
at Artistang Nag-ambag:
Bayani S. Abadilla
• Aurelio S. Agcaoili • Mila D. Aguilar
• Rio Alma • Mark Angeles •
Monico M. Atienza • Romulo P. Baquiran •
Don Belardo • Herminio S. Beltran, Jr. •
Kristoffer Berse • Ian Rosales Casocot •
Dexter B. Cayanes • Piya Cruz Constantino
• Gary Devilles • Iris Pagsanjan-Estrera
• Tom Estrera III • Eugene Y. Evasco
• Melecio Fabros • Jayson Fajarda
• Edel E. Garcellano • German V. Gervacio
• Genaro R. Gojo Cruz • Vladimeir
B. Gonzales • Kenneth Roland Al. Guda •
Lisa C. Ito • Estelito B. Jacob •
Jose F. Lacaba • Bienvenido L. Lumbera •
Cynthia Nograles Lumbera • Maricristh Magaling
• Rogelio Ordoñez • Will P.
Ortiz • Roselle V. Pineda • Axel Pinpin
• Nonilon V. Queaño • Peye
Rana • Alexander Martin Remollino •
Elyrah Loyola Salanga • Romulo A. Sandoval
• Ina Stuart Santiago • Lilia Quindoza
Santiago • Soliman A. Santos • Prestoline
Suyat • Tomasito T. Talledo • John
Iremil E. Teodoro • Enrico C. Torralba •
Renato O. Villanueva



NCCA presents 3rd NEO-ANGONO Public Art Festival

The National Commission for Culture and the Arts, tutoK Karapatan (Human Rights Watch), National Union of Journalists of the Philippines and NEO-ANGONO Artists Collective present the 3rd NEO-ANGONO Public Art Festival (Publikhaan: Making Human Rights Issues Public) on November 16-22.

More than 250 artists and performers from Angono, Manila, Southern Tagalog, Cebu and Mindanao will participate in the art festival which features poetry, mobile prints, mural, paintings, art installations, kinetic sculpture, time-based works, artists talk and symposium, performance art, exhibits, interactive and collaborative works, site-specific works, storytelling, film showing and video screening, shadowplay, sign intervention and concert.

“The annual NEO-ANGONO Public Art Festival celebrates the seven artistic idioms. It is an art expression and experience that is wedded in the local community and Angono people,” says Richard Gappi, the group’s president.

Here is a part of the art festival schedule:

DAY 1: THURSDAY, NOVEMBER 16

“Keypad Unlocked” (Send-a-text Poetry about Human Rights) by poetry groups Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), Kilometer 64, Kamakatahan Poets, Timog Poetry Collective and Neo-Angono poets

“Writings on the Wall” (Poetry-Dikit Project) by LIRA, Kilometer 64, Kamakatahan Poets, Timog Poetry Collective and Neo-Angono poets

“Imprints in Motion” (Mobile Poetry and T-shirt Project) by LIRA, KM 64, Neo-Angono poets, Kamakatahan poets, Timog Poetry Collective with design and print by Aaron Bautista

1-5pm

Artists Talk and Symposium initiated and presented by URS-Angono Student Council and URS-Angono Petroglyphs writers featuring UP Institute of Creative Writing Director and Prof. Vim Nadera (“Ang Makata at Manlilikha sa Panahon ng Panggigipit”) and UP Prof. Bomen Guillermo (“The State of Philippine Art and Culture in a Globalized World”)

9:30pm

“Tagayan ng Diwa” poetry, music and performance by LIRA, Kilometer 64, Kamakatahan, Timog Poetry Collective, NEO-ANGONO poets, G2 and the Bundoocks, Tequila Sunrise and others at Banana Hemp Republic,
Col. Guido Extension, Barangay San Roque

DAY 7: WEDNESDAY, NOVEMBER 22

4pm

“Terrible Sound Brigade” street performance by UGAT-LAHI with Lemurian children from Pasay City, Kamakatahan and Timog Poetry Collective at Angono town proper

Saturday, November 18, 2006

ASINTADO:makata sa panahon ng krisis Isang forum ukol sa pagtula at pagsusulat sa kasalukuyang konteksto ng ligalig na kalagayan ng bansa Recto Hall, College of Arts and Letters Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Biyernes, ika - 18 ng Nobyembre, 2:00 ng hapon Mga Tagapagsalita: Gelacio Guillermo Prof. Emmanuel Dumlao Lourd de Veyra Allan Popa Alex Remollino Marjane Alejo Mga magtatanghal: Bobby Balingit Kilometer 64 Tambisan sa Sining

Friday, November 17, 2006

Doon-ni Katuray 17 Nobyembre 2006



Sa pinakamalayo...doon
Gusto kong tumakbo.
Tumakbo ng walang kasing tulin.
Lumayo mula sayo.

Saan nga ba ang doon.
Kung saan malayo ka.
Saan nga ba ang malayo.
Kung saan wala ka.


Sa dagat.
Gusto kong magpatianud at lumangoy.
Hanggang mapatid itong hininga
Sa walang humpay na pagtangis at panaghoy.

Sa pinakamataas.
Walang agam-agam akong tatalon.
Sa pagbulusok at pagbagsak.
Sa pinakailalim ng mundo doon kaya hahantong
O sa anim na dipa't talampakang hukay.
Na di sapat upang ibaon.
Anino ng nakalipas,alaala ng kahapon.

Sa walang katapusang paglalakbay.
Gusto kong tahakin ang bukas.
Kung ang bawat hakbang ay simula ng wakas.
Nitong panaginip at pangarap.

Sa kalawakan.
Gusto kong liparin ang ulap.
Kung umabot man sa langit.
Walang alinlangan akong aakyat.
Kung sa kabilang buhay ay malilimot kang ganap.

Tuesday, November 14, 2006

Sa Aplaya-ni Katuray 12 Setyembre



Dalawin mo ako doon sa dating tagpuan.
Burahin mo ang bakas ng kahapong lagi kong nauulinigan,
maging ang kaluskos ng mga alaalang
nananatili sa aking isipan.

Pagod na akong damhin ang pagbabasakaling
ako parin ang iyong mahal,
At pagal na ring mangarap na muli ako'y babalikan,
upang madama,pag-ibig mong minsan nang nakamtan.

Dalawin mo ako sa dating tagpuan.
ipadama mo ang sakit at katotohanan,
na wala ng bukas pa ang muli kang masisilayan,
sapagkat kaytagal mo ng sinambot ang salitang Paalam.


Para kay Nelson Joseph

Monday, November 13, 2006

Alaala ng kahapon sa Tag-lagas -ni Katuray 12 setyembre 2006






Bingi ang puso sa awitin ng dapithapon,
Hungkag ang damdaming sumasayaw sa kalungkutan,
Ka'y lamig nitong ihip ng hangin,
binubulong ang iyong paglayo.

Wala ng buhay punong minsa'y
himlayan ng ating mga pangarap.
Dahon ay unti-unting nalalagas,
babagsak sa lupa,bitbit ay mga tanong
sa dagliang paglipad.

Minsan,muling papatak ang mga luha,
na dulot ng kahapong nandirito pa.


Para sa mga alaala ni Nelson Joseph